Serbisyong ginagawa ng ATHAG

Isinusulong ng ATHAG ang tradisyonal na Hilot pamamagitan ng limang (5) paraan:

(1) Pagtuturo ng tradisyonal na  paraan ng Hilot-Herbal. Nagsasagawa ang ATHAG ng mga training para mapalaganap ang kaalaman tungkol sa Hilot-Herbal at mapanatili ang tradisyonal na paraan ng panggagamot na ito para sa susunod na mga henerasyon ng mga Pilipino. Ito ay karaniwang ginagawa sa mga komunidad, kung saan ang ATHAG ay tumutulong din sa pag-oorganisa ng asosasyon ng mga bago nitong tinuruan.

Kamakailan lang, ang tradisyonal na Hilot ay ginawa ding isa sa mga kurso na inaaral ng mga estudyante  ng naturopathy ng Philippine Institute of Naturopathic Sciences (PINS) at Family Life and Wellness Institute (FLWI).

(2) Tradisyonal na panggagamot gamit ang Hilot-Herbal. Para sa mga may karamdaman na nais bumalik sa kalusugan gamit ang tradisyonal na Hilot at Herbal,  ang opisina ng ATHAG ay bukas para sa inyo.

Dito ginagawa ang:

  • tradisyonal na pagtukoy ng karamdaman sa pamamagitan ng pagpulso at pagkapa sa likod, atbp.; 
  • tradisyonal na Hilot  na isinasagawa ng mga ATHAG Hilot therapists;
  • tradisyonal na gamutan gamit ang halamang gamot at tsaa;
  • pagbibigay ng payo tungkol sa mga pagkain na dapat kainin o iwasan;
  • pagbibigay ng payo tungkol sa mga gawain na dapat gawin o iwasan; at
  • pagsubaybay sa kalusugan.

Para sa mga nais komunsulta kay Dr. Fajardo, mas maiging tumawag muna bago pumunta sa ATHAG upang masigurado na siya ay nasa opisina pagdating ninyo.

(3) Pagsasagawa ng ATHAG Hilot Wellness Sequence. Kung kayo ay wala namang nararamdamang sakit, ngunit nais maranasan ang kagalingan ng Hilot, maari din magpunta sa opisina ng ATHAG para sa ATHAG Hilot Wellness Sequence.  Ito ay binuo ni Dr. Fajardo alinsunod sa mga prinsipyo ng tradisyonal na Hilot, kung kaya ito ay tunay na nakakaginhawa ng pakiramdam.

May isa pang mahalagang bentahe ang ATHAG Hilot Wellness Sequence. Dahil ito ay ang mismong Hilot din na nakakagaling at hagip nito ang buong katawan, natutukoy dito ang mga bahagi ng katawan na nag-uumpisa nang mawala sa balanse, at naaagapan ang mga ito.

(4) Pagsasanay sa mga spa therapist sa ATHAG Hilot Wellness Sequence. Ang mga spa na nais mag-alok ng tunay na Hilot Wellness ay maari din kumontak sa ATHAG para sa training para sa kanilang mga therapist.

(5) Pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa Hilot sa pamamagitan ng mga seminar, media, internet, atbp. Si Dr. Fajardo at ang ATHAG ay maari ding kumbidahin para sa mga seminar at lecture-demonstration tungkol sa Hilot, gayundin sa mga programa sa radyo at TV na tumatalakay ng Hilot.

 

 

 

4 thoughts on “Serbisyong ginagawa ng ATHAG

  1. Gud day..saan po pinakamalapit na area neu? Masakit po ang batok at balikat pati leeg q..d aq makagalaw ng maayos..andito lang aq sa proj 4..

    • Good day Dianne,

      Pasensya na po at ngayon lang po kami nakasagot sa inyong tanong. Sa ngayon po nasa Pasig lang po ang opisina namin. Kung patuloy pa po ang karamdaman niyo, mas mabuti po pumunta na lang po kayo para masuri po kayo at mahilot.

  2. Hi po. I’ve been experiencing headache po for almost 3 months which is constant. Means walang day off. Hindi po ito makirat. Mabigat lang po na parang pinipiga. Magagawan po ba to ng paraan through hilot? gusto ko lang po gumaan pakiramdam ko. Sabi po ni Dr. Tan may naipit na ugat sa may batok ko na dahilan ng pagsakit ng ulo ko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s