Kontakin ang ATHAG

Kung kayo po ay may tanong o nais niyo po magpa-appointment, tumawag lang po sa:

Association of Traditional Health Aid Givers (ATHAG)

63 San Rafael St., Brgy. Kapitolyo, Pasig City

Mobile: 0932 740 2285; 0905 415 7087

 

 

Kung may iba po kayong sadya, mag-email po sa:

E-mail: hilothealing@yahoo.com(0932)7402285; 09054157

36 thoughts on “Kontakin ang ATHAG

    • Magandang umaga po, G. Benedicto. 🙂 Salamat po sa comment ninyo.

      Opo, kailangan po magpa-appointment bago kayo magpunta para po sigurado na pagdating ninyo sa opisina ay nandoon po si Dr. Boy Fajardo. Mas mabuti na po yung sigurado, lalo dahil sa Quezon pa po pala kayo manggaling. Minsan po kasi may mga meeting po Sir Boy sa labas.

      Tumawag na lang po kayo sa (0922) 884 4568 para malaman niyo po kung kailan po kayo pinakamagandang magpunta. 🙂 Maraming salamat po!

      • Magandang araw po G. Benny,

        Salamat po sa interes niyong magpa-Hilot.

        Para po sa appointment niyo, maari po bang tumawag kayo sa (0922) 884 4568 o di kaya ay sa (02) 2674012?

        Sila po kasi ang may hawak ng mga schedule ni Sir Boy at ng mga manghihilot.
        Para po sigurado na pagpunta niyo ay nandoon si Sir Boy at may manghihilot.

        Maraming salamat po.

  1. Sir, ang father ko po ay 83yrs old na at lumilihis na po ang buto niya sa likod. Minsan di ko po matiis na makita siya dahil sa nararamdaman niyang sakit. May pag-asa pa po ba siya na makaramdam ng ginhawa pag nahilot na ang buto niya sa likod? Salamat po.

    • Magandang hapon po Ms. Tess,

      Salamat po sa interes niyo sa Hilot at sa pagbisita sa aming website.

      Tungkol po sa inyong katanungan, mahirap po itong sagutin nang hindi po namin nakikita ang tatay niyo mismo. Ang sagot po kasi sa tanong niyo ay magdedepende kung saang bahagi ang lumihis na buto, kung gaano kalala ang paglihis ng buto, at sa mismong pangangatawan ng tatay niyo—kung kakayanin ba niya ang hilot, dahil matanda na po siya. Baka po kasi mahina na din ang mga buto niya.

      Pinakamaganda po na pumunta po kayo ni tatay sa aming opisina upang masuri ni Dr. Fajardo ang kondisyon niya at malaman po natin kung maari po siyang matulungan ng Hilot. Bago po kayo pumunta, tumawag po muna kayo at magpa-appointment para sigurado na nandoon si Dr. Fajardo pagpunta niyo.

      Salamat po at nawa’y makatulong po kami sa inyo.

  2. Magandang araw, po!
    Halos ilang linggo ko na po iniinda ang sakit sa aking kanang pigi hanggang tuhod. hirap po akong lumakad at paika-ika. Hirap rin po ako matulog, umupo, tumayo. Pakiramdam ko po ay may naipit na ugat. Ako po ay naoperahan noong abril sa aking bituka. pwede po ba akong mahilot?

    • Magandang araw din po, Ms. Bing,

      Kmusta na po ang opera niyo? Kaya niyo po bang humiga ng nakadapa? Kung kaya niyo po, pwede po kayong magpahilot. Kung saan po kasi ang sakit, dun po tututukan dahil andun po ang ipit. Tumawag na lang po kayo sa opisina para magpa-appointment. (Kung gusto niyo, pwede din po kayo magpatingin na kay Dr. Fajardo).

      Pag nagpahilot kayo, sabihin niyo po kung saan ang masakit, at huwag niyo po kalimutan banggitin na inoperahan kayo para alam po ng manghihilot.

      Naway malunasan na po ang hirap at sakit na pinagdadaanan niyo ngayon. Ingat po kayo.

  3. Good evening po, kaya po bang tanggalin ang lamig sa likod? pabalik balik po kasi at parang malala din, minsan sumasakit ang likod ko dahil s lamig, kaya po ba ng hilot un? un bang nkafocus lang sa likod para mawala..kasi kahit anong pamassage ko sa mga massage spa, hndi parin nawawala..thanks..

    • Magandang gabi din sa iyo Jec,

      Maraming salamat sa interes mo sa Hilot.
      Opo, kayang-kayang tanggalin ng Hilot ang pananakit ng likod mo. Sa katunayan, dun talaga magaling ang Hilot. Yung ang pinagkaiba ng TUNAY na Hilot sa masahe—ang masahe kasi ay karaniwang pampa-relax lang, habang ang Hilot ay talagang isinasaayos ang ating katawan. Kapag kaunting problema lang, maari ngang maayos sa isang Hilot lang. Pero kapag medyo malala na (halimbawa yung matagal na at sobrang nanigas na yung laman) baka kailanganin ng ilang beses magpahilot. Malalaman din ng manghihilot kung ang pananakit ba ng likod mo ay nasa muscle lang, o kung ito’y dahil sa problema sa mga laman loob o internal organs. Kung ganun, mapapayuhan ka din niya kung ano ang dapat gawin para wag na itong lumala at tuluyang gumaling. 🙂

      Tumawag po muna kayo sa opisina namin at magpa-appointment bago kayo pumunta para hindi po kayo mag-antay ng matagal. Ang number po namin ay (0922)8844568 o 2674012. Salamat po! 🙂

      Salamat po. 🙂

  4. Hello po. Halos dalawang buwan na po sumasakit yung kaliwang binti ko, posible po kaya na may naipit na ugat? Nagpa check up na po ako sa Doctor pero wala po sya sinabi na pwedeng sakit or problema. Naghihilot po ba sya ng babae po? salamat 🙂

    • Hi Karen,

      Salamat sa pagbisita mo sa aming website.
      Kung wala pong nakita ang Doctor na possibleng problema sa binti mo, baka nga po naipit yan na ugat. Diyan po magaling ang Hilot. 🙂

      Sa opisina po namin may mga manghihilot po kami na tinuruan talaga ni Sir Boy. Sila po ang maghihilot sa inyo. Bago po kayo pumunta, tumawag po muna kayo para magpa-appointment para sigurado po kayong mahilot agad at di po kayo maghintay ng matagal. 🙂

      Salamat!

  5. pwede po ba mag pa schedule ng hilot? kailan po pwede? may naipit po kasing ugat sa likod bandang batok 😦 salamat po..

    • Magandang hapon Grace,

      Salamat po sa pagbisita sa aming website. Maari po kayong tumawag sa mga numero ng opisina na nasa taas para malaman kung kailan po kayo pwedeng magpa-appointment. Salamat po!

  6. Doc,Good morning po it’s 2:00am mamaya pa kc tulog ko sa call center po work namin,ask Kopo doc bakit pag lumilingon ako pakaliwa ay unti unting nag nag mamanhid ang buong kaliwang braso ok,pero pag deretso at pa kanan lingon ay normal naman,doon lang po sa kaliwa,naipit po ba ugat ko sa leeg?Nag pa General check up na po ako last month pati po stress test ay pasado ako,katunayan po binigyan po ako ng certificate ng doktor para sumali sa triolet..yun po ba dahon na tubatuba ay pede ko itapal,or need to see you Doc for your Hilot..thanks po and God Bless

    • Good morning Khallel,

      Ang dinescribe mo na sintomas ay malamang ipit nga na ugat. Kailangan iyan ng Hilot, kasi hahanapin ng manghihilot kung nasaan ang bahaging naipit. Hindi po yan kaya ng tapal. Tumawag po kayo sa aming opisina (0922) 884 4568 bago kayo pumunta para magpa-appointment. Bukas naman po kami araw-araw ng 8-6 pm.

      Salamat!

    • Magandang umaga po Analyn,

      Salamat po sa iyong mensahe.
      Sa ngayon po wala pa po kami sa Sariaya. Pero baka po may mga magaling pa po na manghihilot diyan sa karatig-bayan.

      Salamat po!

  7. Gud day po..ask q lng po qng mkukuha po ba sa hilot ang paglinsad ng buto sa batok..kasi po nkapa q po yun batok q..d na xa nka align..pls reply po sa comment q..ty.

    • Magandang umaga po Honeybelle,

      Pasensiya na hindi po namin masasabi kung makukuha po ba sa hilot ang paglinsad ng buto sa batok mo hanggat hindi po namin nasusuri mismo.

      Kung ikaw ay taga Metro Manila, mas mabuti po kung pumunta po kayo sa opisina namin para ipatingin kay Sir Boy.

      Salamat po!

  8. Sir Good morning po.may maibabahagi po ba kayo ukol sa tradisyunal na panggagamot sa pag alis ng makamandag na tuklaw ng ahas o kagat ng aso? Malaking tulong po sa isinsagawa Kong pag aaral ukol sa tradiyunal na pamamaraan.marami pong salamat.

    • Magandang araw po Evelyn,

      Salamat sa interes niyo sa tradisyonal na paraan ng panggagamot. May dalawa kaming alam na paraan para sa kamandag: una, ay yung bato na ginagamit ng mga albularyo at pangalawa ay ugat ng malunggay. Mas mahirap ang kagat ng aso dahil hindi naman po kasi yun kamandag, at mas matagal na kailangan bantayan ang aso at ang nakagat.

      Kung nais niyo ng dagdag pang kaalaman tungkol sa mga tradisyonal na paraan, mas mabuti po kung mag-email po kayo sa hilothealing@yahoo.com. Mas maganda po kung maipakilala niyo ang inyong sarili, bakit at tungkol saan ang inyong inaaral, at para saan ito. Salamat po!

      • Magandang gabi po Ma’am Evelyn,

        Salamat po sa inyong interes sa Hilot. Mas mabuti po kung tatawag kayo mismo sa aming opisina para po direkta kayo makapili ng skedyul. Baka po kasi kapag dito, ang maibigay ko ay may ibang lakad po kayo.

        Ang numero po namin sa opisina ay (02) 267 4012 at (0922) 884 4568. Sabihin niyo din po kung gusto niyo magpaskedyul ng appointment kay Sir Boy para po macheck din kung kalian pwede si Sir.

        Salamat po!

  9. Magandang Hapon po..ung mama ko po kasi nag stroke nung March 2013 ..ngayon po medyo paralisado pa po ung kanang bahagi ng katawan nya.. my chance po bang gumaling siya pag magpahilot siya?? naaawa na po kasi ako sa kanya..:(

    • Magandang hapon po Lucelle,

      Kapag po ang problema ay nasa laman at ugat lang, makakatulong po ang Hilot. Pero po kung ang dahilan kung bakit hindi na siya makagalaw ay dahil po may problema ang bahagi ng utak na nagkokontrol ng kanang bahagi ng kanyang katawan ay medyo mahirap na po yun. Kung gusto niyo pwede niyo po siya dalhin sa opisina para po ipatingin kay Sir Boy. Tumawag lang po muna kayo bago kayo pumunta.

      Salamat po.

  10. magandang hapon po my problema po ako sa likod ko my naipit na ugay sa bandang balakang ko right side.mag dalawang taon na to. makuha paba to sa hilot. kumikirot
    sya lagi.

    • Magandang hapon Jay,

      Kung ipit po na ugat, makukuha po yan ng Hilot. Yun nga lang dahil medyo matagal na po niyong iniinda iyon, hindi nga lang po agad-agad dahil nanigas na po ang laman.

      Kung nais niyo pong magpahilot, tawag po muna kayo sa aming opisina at magpaskedyul bago po kayo pumunta. Ang numero at address po namin ay nasa “Contact Us” sa website po na ito.

      Salamat po.

  11. Goodmorning po. mag papaset po sana ako ng appointment naipitan po yata ako ng ugat sa may left na batok to namali yata ako ng galaw kaninang pag gising ko. salamat po

  12. Good day po sir, ang asawa ko po ay may problema sa pagdumi, minsan 3 o 4 na araw bago sya makaramdam ng pagdumi at minsan may araw na sasakit ang kanyang tiyan at nasusuka. Nagpa xray at ultrasound na po kami at normal naman ang resulta. Magagamot po kaya ito ng hilot? Salamat po.

    • Magandang araw po Ronald,

      Salamat po sa interes niyo sa Hilot

      Pinakamabuti po kung pumunta po kayo sa aming opisina at nang masuri po ni Sir Boy Fajardo ang inyong asawa. May sarili po kasing paraan ang Hilot sa pagtukoy at pagpapagaling. Siguraduhin lamang po na tumawag po kayo at magpa-appointment po bago kayo pumunta para sigurado po na nandun si Sir Boy pagdating niyo.

      Salamat po!

  13. malugod na pagbati po sa bumubuo ng ATHAG nais ko po itanong kung may pagasa pa ba gumaling ang asthma ng asawa ko siya po ay 36yrs old na naun bumalik lang ang asthma nya nung 18yrs old xa at hangang naun ay umaatake pa ksabay ng pagubo at tulo ng sipon pg susumpungin sya at my history po sya na naoperahan sa appendix taong 2007 at muli xa naoperahan sa hernia nito lng sept 2015 maari pa po ba magamot ang asawa ko?

    • Magandang araw po Lhey,

      Salamat po sa interes niyo sa Hilot.

      Ang pagpapagaling po ng hika ay isa sa mga expertise ng ATHAG. 🙂

      Pinakamabuti po kung pupunta po kayo sa aming opisina at magpasuri kay Sir Boy Fajardo para po matingnan niya at mapayuhan kayo kung ano po ang dapat gawin sa asawa niyo. Tumawag lang po muna kayo bago kayo pumunta para po sigurado na nandun si Sir Boy at may manghihilot na pwede. Salamat po!

      • Good pm din po,

        Depende po kung ano po ang ipapahilot, kung full body po ba o hindi. Mas mabuti po kung tatawag po kayo sa aming opisina para po direkta kayo masagot ng aming secretary. Salamat po.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s