ATHAG at Museo Pambata, inilunsad ang ‘Bahay Hilot’

LUNGSOD NG MAYNILA, Pilipinas-Noong ika-7 nitong buwan, magkasamang ipinagdiwang ng Association of Traditional Health Aid Givers Philippines (ATHAG) at Museo Pambata Foundation Inc. (MPFI) ang Nobyembre bilang buwan ng tradisyonal at alternatibong paraan ng pangagalaga ng kalusugan (traditional and alternative health care month). Ito ay alinsunod sa Proklamasyon Blg. 698 s. 2004 na nilagdaan ng dating Pangulong Arroyo.…

Kartilya ng mga Manghihilot at Albularyo, ipinakilala sa 16th Asian Bioethics Conference

LUNGSOD NG QUEZON, Pilipinas- Noong ika-6 ng Nobyembre 2015, ipinakilala ni Asst. Prof. Marie-Sol Hidalgo ang Kartilya ng mga Manghihilot at Albularyo sa ika-16 na Asian Bioethics Conference na ginanap sa St. Paul University. Si Asst. Prof. Hidalgo ay nagtuturo sa University of the Philippines Open University at kasalukuyang kumukuha ng kanyang PhD sa Universiti Sains Malaysia.…

Mga guro at kawani ng Immaculate Heart of Mary College natuto tungkol sa kalusugan at katutubong panggagamot

LUNGSOD NG QUEZON, Pilipinas- Noong umaga ng ika-2 ng Oktubre 2015, kinumbida ng Immaculate Heart of Mary College ang Albularyo at pangulo ng ATHAG na si Bibiano “Boy” Fajardo upang magsalita tungkol sa kalusugan at katutubong panggagamot ng mga Pilipino. Ang kaganapang ito ay bahagi ng “formation” program ng nasabing paaralan para sa mga guro…

Kinausap ng Chairperson ng ATHAG na si Ma. Aleli Pansacola ang mga kalahok sa training.

ATHAG, tuloy ang pagsulong sa Hilot sa ikatlong bahagi ng 2015

LUNGSOD NG PASIG, Pilipinas- Bagama’t abala ang ATHAG sa panggagamot, pinili pa din nito na makilahok at tuluyang isulong ang Hilot sa pamamagitan ng pagtuturo, pagpapalaganap, at pakikiisa sa iba’t ibang sektor ng sambayanan. ‘Pinoy Vibes’ ng DZMM, itinampok ang Bundok Banahaw Sa buong buwan ng Setyembre, itinampok ng programang “Pinoy Vibes,” ng DZMM Teleradyo…